Maaari bang suportahan ng CitizenGO ang delivery ng aking petisyon?
Ang mga gumagawa ng petisyon ay siya ring naghahatid ng kanilang sariling mga petisyon. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyong recipient ng isang email na may link sa iyong kampanya at ang listahan ng mga pumirma, o sa pamamagitan ng pag-print at pagpapadala ng mga dokumento sa pamamagitan ng mail o pag-abot ng personal.
Gusto naming maging matagumpay ang iyong delivery, kaya narito ang ilang mga tip:
Paano mag-organisa sa paghahatid ng lagda:
- Pumili ng petsa na may kasabay ng isang related event, o isang media cycle, upang makuha ang pinakamaraming suporta para sa iyong petisyon.
- Kontakin ang iyong target at tingnan kung tatanggapin nila mismo ang petisyon.
- Kung hindi, tanungin kung may isang tao sa kanilang opisina na maaaring tumanggap nito. Kung wala pa rin, isang politikal na kalaban na maaaring sumuporta sa iyong kampanya (mas mataas ang profile, mas mabuti).
- Mag-recruit ng mga experts sa isyu na naroon sa paghahatid upang magbigay ng petisyon. Mag-anyaya ng publiko! Ipadala ang imbitasyon sa pamamagitan ng iyong network.
Paano makakuha ng interes ng media:
- Gawing malikhain: Ang mga unusual na tema o mensahe sa isang related event ay mas makaka-attract ng interest ng mga mamamahayag.
- Gawing visual: Ang pinakamalalaking balita ay may magagandang visuals. Magdala ng photographer, maging maingat sa pag-set up mula sa isang photographic point of view, at maging creative.
- Gawin agad ito: Maghanda ng maikling press release (hindi hihigit sa isang pahina) na may mga larawan, kung maaari, upang ipadala sa mga ahensya ng balita.
May problema ba? Paki-contact ang isa sa aming team sa pamamagitan ng pag-email sa tagalog@citizengo.net. Aayusin namin ang iyong request agad-agad.